|
Sakay ka sa spaceship ko?
| ♥ | Dianne | 15 | Frosh | Mapua | Awkward | Matakaw | Tanga | Mukhang Alien | Mahilig mag-doodle | Awesome | ♥ |
Isa akong babaeng mukhang alien, na pinanganak sa planetang naguumapaw sa ka-awesome-an at kagandahan. Walang papalag.
ang gusto sumakay sa spaceship
|
Bakit ba may nagtataksil sa isang relasyon? Hindi naman nawawala ito sa isang relasyon. Depende na lang kung sobrang loyal niyo sa isa’t-isa. Pero karamihan kasi ng relasyon nakaka-experience nito. Pero sa tingin mo bakit niya ginagawa yun? Lahat naman ng gumagawa nito may dahilan kung bakit sila naghahanap ng iba kahit kayo pa.
- Yung mga couple na laging nag-aaway, laging nagkakatampuhan, isa sakanila ang sobrang bilis magtampo, napaka-sensitive, napaka-seloso/selosa. Syempre laging merong friend yan na pinagsasabihan iya ng problems niya. Kadalasan ang nangyayari diyan dun siya naiinlove sa pinagsasabihan niya ng problems niya. syempre yung friend niya may pagtingin din sigur sa isa kasi hindi naman papatol yun kung walang gusto sa isa diba.
- Syempre tinawag mo pang relationship yun kung hindi mo naman pinapansin, tapos kapag tinanong kung anong problema sasabihin “Wala.” Syempre ano nalang ang mafi-feel na ka-relationship mo. Ganun dina ng gagawin nun. Mago-open up sa isang friend. Tapos yung hinahanap niyang warmth na dapat galing sayo, nahanap niya sa iba.
- Nakakasawa talaga yung mga ganito. Yung gusto lagi magkasama silang dalawa, yung hindi na siya pwedeng kumausap ng ibang lalaki/babae, kung hindi siya lang. Sobrang selos, gusto lahat mababasa yung messages mo, gusto alam lahat kung saan ka pupunta. Bakit ba ang dami mong gusto malaman? Pulis ka ba?. Kailangan din ng space, hindi dapat ikaw lagi ang kasama. Privacy, “me-time”, alone time. Kung wala yun. Nakakasakal.
- Ano ba? Bakit kailangan sabay-sabay? So, akala mo porket andami mong girl/boyfriend cool ka na niyan? kasi kaya mong dalawahan? Astig ka na nun? Grabe, kailangan mo din isipin yung pakiramdam ng taongpinagsasabay sabay mo. Pero kahit may mga reasons na ganyan, nag-cheat pa rin siya. Kahit isa yan sa mga reason ng mga nagtataksil, hindi pa rin dapat ginagawa yun kung alam mong nasa isang relationship ka. Kasi pinili mong gawin siyang syota mo, ibig sabihin tanggap mo na ganun siya. So, kahit ano palang gawin mong reason kung ikaw yung mali, wala kang magagawa.
|